s

Kyle Robertson Mallari

Si Kyle ay 12 years old at bunso sa tatlong magkakapatid na lalaki. Siya ay 9 years old nang magsimulang maglaro ng Basketball nang isali siya ng kanyang mga magulang sa paliga sa kanilang barangay. Dahil siya ang pinakabata, hindi siya masyado napaglalaro, pero tuwing nabibigyan naman ng playing time ay naipapakita niya ang kanyang potential sa paglalaro. Laging sumasali si Kyle sa iba’t ibang basketball clinics at training upang lalong mag-improve ang kanyang skills pagdating sa basketball. March noong nakaraang taon, siya ay sumali sa Batang PBA kung saan mas nahasa ang kanyang basketball skills. Ang pagsali niya sa Batang PBA ay nagbigay sa kanya ng iba’t ibang oportunidad. Si Kyle ay ininderso ng Head ng Caloocan Sports Department na magtryout para sa basketball team ng St. Vincent School sa Quezon City kung saan siya ay natanggap at nakakuha ng Athletic Scholarship. Malaking tulong ito sa mga magulang ni Kyle na mapag-aral siya sa isang pribadong paaralan ng walang iniintinding matrikula. Kahit na puspusan ang training ni Kyle sa pagbabasketball, hindi niya nakakalimutan mag-aral ng mabuti para hindi mawala sa sa Top 6 ng kanilang klase. Iniidolo niya si Scottie Thompson ng Barangay Ginebra San Miguel!

Back